arets ([info]arets) wrote,

isadalawatatloangtataymongkalbo..

arets' unusual conversations for the week.



with my friend, estée:

estée: i want to kill barney.
arets: what's wrong with barney? i think he's cute. he's purple and..
estée: i think he's a molester! i want to sue him! and he has teeth! teeth?! what's the teeth for?!
arets: .....


with another friend, yari:

arets: o game, joke naman dyan.
yari : eto, diba dito sa pilipinas, may wow mali at gag ito? tapos sa canada may just for laughs?
arets: oo, tapos.
yari : sa russia, meron ding ganon. yung gag nila is may magtatagong lalake sa mailbox tapos
ilalabas niya yung sulat pag may naghulog. so una, may lalake. naghulog sya tapos
lumabas uli. nung pagsilip niya, nakita nya yung lalake sa loob so tumawa lang siya. nung
sumunod, babae naman. naghulog din sya ng sulat tapos lumabas uli. nakita nya yung lalake
sa loob so tumawa na rin lang sya.
arets: ok. and then?
yari : yung sumunod, isang lalake uli. eh andami niyang sulat so hinulog niya isa-isa yon sa
mailbox. isa-isa rin lumabas. pagsilip niya, nakita niya yung lalake.
arets: ok, so tumawa sya?
yari : hindi. may baril siya so pinagbabaril niya yung lalake sa loob. ayun. patay.
arets: .....


with my older brother, sport:

kuya sport: iniwan ko yung cap dyan ha. make sure na isuot mo yan mamaya sa lunch natin with kuya
ollie.
arets : ha? isusuot ko to? bakit?
kuya sport: baka matakot yung tatay nila kuya ollie pag makita yang buhok mo. isipin mo, ilang
taon na rin yon.
arets : .....


with my professor, ms. cielo timbol:

arets : (bringing opened pack of boy bawang) hi ma'am. kamusta ang..
ma'am cielo: heps! ambush to. penge nyan (extends hand).
arets : .....


with my classmate, marlene:

arets : (just finished munching on boy bawang)
marlene: ay ang bango mo. hehe. amoy yang-chao [fried rice] ka.
arets : haha. talaga?
marlene: ang sarap mo.
arets : .....


with my older sister, pebbles:

ate pebs: remember kurt alvarez? yung anak ng kapitbahay namin dati sa up?
arets : ah yes. yung maliit na bata noon? ang kulit non ano? naalala ko sinuntok nya ko tapos
nagkapasa ako. hindi ko na lang pinatulan kasi bata eh. hehe. o, anong balita sa kanya?
ate pebs: magkaka baby na siya. nabuntis nya girlfriend nya.
arets : .....

  • Post a new comment

    Error

  • 27 comments

[info]si_wall

October 10 2006, 11:31:20 UTC 5 years ago

benta!!!
mas nakakatawa pa mga conversations mo kaysa jokes..
awww..barney..hehe..
hehe..sana ganyan nalang ang mga nangaambush..boy bawang lang kinukuha..hehe..

ang sakit sa puso ng huli...tsktsk...

[info]arets

October 10 2006, 14:02:53 UTC 5 years ago

ah hindi masakit sa puso yan. nakakagulat kamo! bata lang dati yon eh. as in bata lang talaga. ngayon tatay na amputa.. grabe.. hehe

[info]si_wall

October 17 2006, 07:22:08 UTC 5 years ago

hehe..deym..teenage pregnancy and pms...hindi na kasi pinapamigay ng libre ang mga contrceptives sa health centers ngayon..kelangan legal ka muna...buti pa dati...haha..something i learned in my exploring gender and sexuality class...hehe..

[info]sublime_surot

October 10 2006, 13:01:54 UTC 5 years ago

life is wonderful...=)

[info]arets

October 10 2006, 14:00:44 UTC 5 years ago

indeed.. :D

[info]hellafinejocel

October 10 2006, 17:08:18 UTC 5 years ago

PUAHAHAHAHAHAAHHA....


lafftrip.

lalo na prof mo.hahaha.. natigilan ka noh?! ambush nga! :))






thanks nga pala sa comment mo sa latest entry ko. appreciate it.;)

[info]arets

October 10 2006, 17:26:26 UTC 5 years ago

ambush talaga. hindi sya nagmukhang prof nung moment na yon. pero ok lang. close naman kami pareho ni jesse don eh.

you're more than welcome :D basta wag ka nang malungkot ha? dininig na ni lord ang panalangin mo. dapat masaya ka na.

[info]nina_ketosis

October 10 2006, 22:18:18 UTC 5 years ago

my friend says barney's gay. and he makes little boys gay too! haha :)

[info]arets

October 11 2006, 05:30:38 UTC 5 years ago

pero napaisip din ako eh. para san nga talaga yung ngipin? diba?

[info]ochoberi

October 11 2006, 04:25:30 UTC 5 years ago

mwahahaha. masarap ka pala, burete, eh. :P

[info]arets

October 11 2006, 05:26:06 UTC 5 years ago

oo no. si marlene na nagsabi nyan ha.. hehe. namula nanaman siya nung pinuna ko yon. hahaha.

[info]celestial_trash

October 11 2006, 04:36:22 UTC 5 years ago

naalala ko yung prof ko ng highschool,

nagpapabili pa ng boy bawang sa tindahan sa labas ng school bago magturo ng sayaw hahahahahahaha.

ang epekto nga naman ng boy bawang...ibang level. hehehe.

[info]arets

October 11 2006, 05:25:02 UTC 5 years ago

ayos yon ha. boy bawang bago magturo ng sayaw.

baka maging prof nyo rin si ma'am cielo. magbaon ka ng boy bawang sa class nya para ambushin ka din.

Anonymous

October 11 2006, 09:42:40 UTC 5 years ago

Haha

Napadaan ako sa blog mo, and natawa ako sa entry mo. haha. Bakit nga ba may ngipin si Barney? Pero sa cartoons wala? Shet. hehe

~eM~

[info]arets

October 11 2006, 16:42:19 UTC 5 years ago

Re: Haha

hello em. sige, daan ka lang anytime. bukas ako 24 hours :b

Anonymous

October 12 2006, 01:07:21 UTC 5 years ago

Re: Haha

Helow, napadaan ulet.. ok lang ba na i-link kita sa blog ko? Para mas maraming makabasa nitong latest entry mo? Nyahaha. :)

[info]arets

5 years ago

[info]melo_cheng

5 years ago

[info]deranged_queen

October 11 2006, 09:44:39 UTC 5 years ago

what if yung teeth ni barney fangs? exciting show...

"homosexual pedo purple dinosaur eats little children!"

[info]arets

October 11 2006, 16:40:24 UTC 5 years ago

at ang creepy ng boses nya. parang may malisya palagi..

[info]eriners

October 11 2006, 15:15:53 UTC 5 years ago

hahahahaha. ang benta nitong post mo. hehe. natawa ako dun sa conversation mo sa classmate mo eh. "ang sarap mo" haha.

at para san nga naman ba ang ngipin ni barney? :P

at yung huli.. "yung maliit na bata noon" haha. sabay biglang magkaka-anak na. haha. ang kulit.

[info]arets

October 11 2006, 16:38:48 UTC 5 years ago

may mas worse pa dyan sa huli. may picture ako na tinitignan nung isang araw lang. picture namin ng mga kapatid ko tapos may karga kami na baby. mga 6 years old ata ako non tapos yung baby is ilang months pa lang.

i just found out na yung baby na yon ay well, may baby na rin ngayon. yep, nadali nang maaga. siguro mga 14-15 na sya ngayon.

[info]vindicated21

October 12 2006, 10:49:42 UTC 5 years ago

haha. this entry made me laugh:))

gusto ko ung sinabi sayo ng classmate mo "ang sarap mo" what the.. haha:))

i love barney when i was in grade school.panu kasi ung pamangkin ko(grade 3 na siya ngayon) ervery damn day nya pinapanood un. syempre napapanood din namin. may isang episode nga super favorite namin kasi ung mga bata kumakanta sila with the cereal costume ata un. haha.

ngayon, err. hahaha:))

expect the unexpected conversations. haha.

thanks,medyo nawala stress ko dahil dito:)

[info]arets

October 12 2006, 16:09:53 UTC 5 years ago

wow. stress-reliever na pala tong blog ko.. hmmm.

welcome.. :D

Anonymous

October 15 2006, 05:12:35 UTC 5 years ago

stress-reliever talaga! see, real-life is a lot weirder and funnier than the movies. :) hahaha. haven't guessed who i am, yet!? --> visit this: http://www.peoplesoftheworld.blogspot.com/

[info]arets

October 15 2006, 16:34:51 UTC 5 years ago

no more kfc for you.. hehe.

hi lian!

Anonymous

October 16 2006, 03:27:35 UTC 5 years ago

you remember! :) hahaha.. i suppose with the help of pictures and the mention of my name. =p link you, okay!? =p happy sembreak!
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…